1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: *kandila*
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: *langka*
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot:*ampalaya*
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: *ilaw*
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: *anino*
6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: *banig*
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: *siper*
8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: *gamu-gamo*
9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: *gumamela*
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: *kubyertos*
Posted by jovanni-07
at 1:45 AM EDT